Home ENTERTAINMENT Misis ni Robi, magaling na!

Misis ni Robi, magaling na!

Manila, Philippines – Dermatomyositis.

Ito ang bihirang uri ng autoimmune disease na dumapo kay Maiqui Pineda, asawa ni Robi Domingo.

Pinahirapan si Maiqui nito around this time last year.

Kinallangan niyang i-isolate ang kanyang sarili if she wanted to get well.

August noong isang taon nang isapubliko nila ni Robi ang kanyang karamdaman amidst preparations for their January 2024 wedding in Bulacan.

Nag-viral pa nga si Maiqui nang kumalat sa social media na may taning na ang kanyang buhay–bagay na itinanggi niya.

But Maiqui’s battle proved fruitful dahil hindi pa man Pasko’y natanggap na niya ang kanyang biggest Christmas gift ever.

Naganap ito only this November nang sabihan siya ng kanyang doktor during their trip to Singapore.

Masayang ibinahagi ni Maiqui na: “I’m in clinical remission!”

In layman’s term, barely detectable na ang mga sintomas at senyales ng kanyang karamdaman kahit hindi pa siya ganap na magaling.

Binalikan ni Maiqui ang kanyang journey bago nakamit ang clinical remission.

Dumaan daw siya sa hair loss, skin allergies, pamamaga ng mga daliri at heart palpitation tuwing gabi.

May mga plano sana si Robi para sa 2025 pero isasantabi muna niya ang mga ito para namnamin ang maganda nang kalagayan ng kanyang kabiyak.

Ibinahagi nga ni Maiqui ang kanilang sweet photos sa social media na kuha sa Singapore kung saan she was told she has experienced a miracle. Ronnie Carrasco III