Home ENTERTAINMENT Binoe, pinabababa sa puwesto, walang balak!

Binoe, pinabababa sa puwesto, walang balak!

Manila, Philippines – Todo-todong bashing ang inabot ni Senator Robin Padilla nang dahil sa kanyang pahayag na mahirap daw pala ang buhay ng isang pulitiko.

Ang kay Binoe lang naman daw, kulang kasi sa tulog ang mga tulad niya.

Maging ang pagpansin ni Robin sa sistemang umiiral sa kasalukuyan niyang mundo’y hindi rin nakaligtas.

Dahil dito, malakas ang panawagan na mas maganda kung kusa na lang daw siyang bumaba sa kanyang puwesto.

“The end” na nga naman ang kanyang problema!

Matatandaang nanguna sa mga senatoriables si Binoe noong 2022 national/local elections.

But is the actor-politician thinking of stepping down?

Ayon sa kanyang kampo, sorry na lang daw sa kanyang mga bashers but he won’t give them the satisfaction.

Tatapusin daw niya ang kanyang termino hanggang 2028.

Samantala, madamdamin ang social media post ng senador tungkol sa kanyang ina.

The Padilla matriarch Eva CariƱo-Padilla is suffering from dementia.

Napakabilis daw mag-deteriorate ng kalagayan nito compared to when she celebrated her birthday three years ago.

Abut-abot naman ang pasasalamat ni Robin sa kapatid na si Rommel for looking after their mom kahit busy ito.

Humihingi si Robin ng panalangin para sa ina. Ronnie Carrasco III