Home ENTERTAINMENT Janella, aminadong natomboy!

Janella, aminadong natomboy!

Manila, Philippines – Aminado si Janella Salvador na lumaki siya noon na ‘boyish.’

Malaking factor daw rito na nag-aral siya sa isang all-girls exclusive school.

Hindi rin niya ikinaila na may pagkakataon daw noon na may nakursunadahan siya o natomboy sa kapwa bebot.

Talking from experience, ito rin daw ang naging inspirasyon niya sa kanyang latest music video tungkol sa dalawang babaeng magkaklase na na-in lababu sa isa’t-isa.

Konsepto raw niya ang music video nila ng Darna co-star na si Jane de Leon na napaka-personal para sa kanya.

“I mean ‘di mabubuhay ‘yung music video…Since it was my concept, I wanted it to be as personal as possible,” ani Janella sa isang panayam.

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa Meta ang naging pag-amin ng aktres.

Ito naman ang naging komento ng netizens sa kanyang pagpapakatotoo.

“Kung kelan nagkaanak susmaryosep.”

“Normal lang po na humanga sa kapwa babae, yung nagagandahan ka at gustong gusto mo siya nakikita, nothing is wrong, it’s normal.”

“Cguro humahanga rin lng sya sa kagandahan ng iba pero d nmn ibig sabihin cguro nun gusto nya tlga Ng babae.”

“Wala po KAMI paki.”

“Mapag usapan lang.”

“tomboy na yarrnnnn.”

“Kaya cguro nag-guest sya nung Pride March? charr.”

“Either she’s admiring or liking someone in the same gender as her, she is still a human.”

Matatandaang isa si Janella sa um-attend ng Pride March concert kung saan inihayag niya na bet na niyang gumawa ng GL. Archie Liao