Home HOME BANNER STORY 500K umalis na ng Metro Manila sa nakalipas na 5 taon –...

500K umalis na ng Metro Manila sa nakalipas na 5 taon – PSA

140
0

MANILA, Philippines – Mas marami pang tao ang umalis na sa Metro Manila sa nakalipas na limang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority nitong Martes, Hulyo 9.

Ayon kay Adrian Cerezo, Assistant National Statistician ng PSA Social Sector, nasa 500,000 residente ng Metro Manila ang umalis na sa National Capital Region sa nakalipas na limang taon kumpara sa 381,000 na dumating naman sa kaparehong panahon.

Ang matitirahan ang isa pa rin sa pangunahing dahilan kung bakit umaalis na ng NCR ang mga tao.

“Hindi lang ito work from home pero housing related reasons. Karamihan ng mga lumalabas ng NCR ay dahil nakakabili sila ng bahay at lupa sa mga karatig [na probinsya], lalo na diyan sa Calabarzon,” ani Cerezo sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo.

“Prohibitive sa Metro Manila,” dagdag pa niya.

Ikalawang dahilan sa pag-alis ng mga tao sa Metro Manila ay ang living environment.

“Ang uri ng antas ng pamumuhay ay pangalawang rason kung bakit may intensyon silang umalis ng NCR,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ng opisyal na possible ring maraming mga manggagawa ang nagtatrabaho pa rin sa NCR pero nakatira na sa labas ng rehiyon.

“Anecdotally, marami tayong mga taong ganun. The commute is bearable enough na dun sila bibili ng bahay at lupa tapas mag co-commute pabalik sa NCR. Marami ‘yung cases na dun nakakabili tapos ‘yung setup work from home and hybrid and there are also those who commute daily,” pahayag ni Cerezo.

Ang Metro Manila o NCR ay binubuo ng 16 highly urbanized cities. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here