Home HOME BANNER STORY Puganteng pastor na si Quiboloy, ‘di masisisi kung hindi pa sumusuko –...

Puganteng pastor na si Quiboloy, ‘di masisisi kung hindi pa sumusuko – abogado

MANILA, Philippines – Hindi umano masisisi ang puganteng “Appointed Son of God” na si Apollo Quiboloy kung bakit ito tumatangging isuko ang sarili sa mga korte dahil sa kasong human trafficking at sexual cases.

Ayon sa abogado nito, ito ay dahil umano sa “harassment and persecution” ng pamahalaan.

Sa panayam, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio na ang pag-iwas ni Quiboloy sa mga warrant ay “not entirely without precedent” kasabay ng pagkukumpara kay dating Senador Panfilo Lacson na nagtago dahil sa murder cases na kalaunan ay ibinasura ng Korte Suprema.

Aniya, si Lacson ay literal na lumipad palabas ng bansa bilang “fugitive from injustice,” na tumutukoy sa panahon ng pagtatago ng dating senador noong Enero 2010 hanggang Marso 2011.

“If a person who is the subject of a warrant feels he cannot get fair and impartial justice under our present system of government — under the executive — then, while I do not condone it, I will be the last person to blame him for refusing to submit himself to a justice system that is far from being fair,” ani Topacio.

Matatandaang itinanggi ni Quiboloy ang mga alegasyon laban sa kanya sa mga korte sa Davao City at Pasig. RNT/JGC