Home NATIONWIDE LTO nakakolekta ng halos P1B multa sa traffic violators mula Enero

LTO nakakolekta ng halos P1B multa sa traffic violators mula Enero

MANILA, Philippines – Nakakolekta na ang Land Transportation Office ng halos P1 bilyon na kita mula sa mga multa ng traffic violators sa first half ng 2024.

Sa datos ng LTO, nasa kabuuang 330,073 motorista ang nahuli sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Hunyo 30 ngayong taon dahil sa iba’t ibang paglabag.

Hindi pa nakapagbabayad ang ilan sa mga nahuli, ngunit nasa kabuuang P986.5 milyon na ang nakolekta mula Enero 1 hanggang Hunyo 30 ngayong taon.

“The almost P1 billion collection from fines and penalties alone is a result of the hard work of our law enforcers and other personnel on the ground. We cannot achieve this without their dedication and commitment to ensure road safety,” pahayag ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II.

“Inaasahan nating mas tataas pa ito as soon as mag-settle ng penalties and fines ang mga nahuli. Kaya we are asking them to settle on time because failure to do so would only result in the payment of higher fines and penalties. In short, mas malaki ang babayaran na,” dagdag pa niya.

Ang revenue collection target ng LTO para sa 2024 ay P33 bilyon.

May 34% nang mas mataas ito sa nakolekta ng opisina sa kaparehong panahon noong 2023.

Bukod sa mga multa at penalty, ang iba pang revenue sources ng LTO ay ang motor vehicle user charges at driver’s license transactions. RNT/JGC