Home METRO Empleyado ng DAR patay sa pamamaril sa Negros

Empleyado ng DAR patay sa pamamaril sa Negros

MANILA, Philippines – Itinumba ang isang empleyado ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Purok Sandia, Barangay Mambaroto, Sipalay City, Negros Occidental nitong Lunes ng umaga, Hulyo 8.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Andre Maria Pajarillo, 57, ng Candoni, Negros Occidental.

Ayon kay Police Lt. Col. Fernando Somblingo Jr., Sipalay police chief, minamaneho ng biktima ang motorsiklo nito nang paputukan ng dalawang hindi pa tukoy na salarin.

Isa sa mga ito ang gunman at isa ay pinaniniwalaang lookout.

Ani Somblingo, posibleng binuntutan ng mga suspek ang biktima na papasok sa trabaho bandang 8:35 ng umaga.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa leeg at ulo ang biktima.

Narekober sa crime scene ang dalawang fired 9mm cartridges.

Tinitingnan ng pulisya ang motibong may kinalaman sa trabaho o personal na galit sa insidente. RNT/JGC