Home ENTERTAINMENT Binoe, sinabon ni Kapunan sa isyu ng sex!

Binoe, sinabon ni Kapunan sa isyu ng sex!

Manila, Philippines – Pansamantalang isinantabi muna ng Senate Committee on Public Information and Mass Media ang pagdinig nitong August 15, Huwebes sa kasong sangkot si Sandro Muhlach versus Jojo Nones at Richard Cruz.

Sa halip ay sumentro ang usapin sa pag-amyenda ng Anti-Rape Law, Anti-Bastos Law at Safe Spaces Act.

Inimbitahang isa sa mga resource person si Atty. Lorna Kapunan.

As it went along, naging katawa-tawa si Senator Robin Padilla dahil sa iginigiit nitong “sexual rights” ng husband kapareho ng kanyang maybahay.

Umani ng kaliwa’t kanang batikos ang aktor dahil sa ginawa niyang halimbawa.

Ito’y ano ang maaaring gawin ng husband na nasa mood makipagtalik sa misis na ayaw naman.

Mahinahong ipinaliwanag ni Kapunan na passè na ang Family Code na nagsasaad ng “obedience to obligation” ang misis.

Taong 1930 pa raw umiral ‘yon, hindi ang sinusunod na 1988 Family Code na wala nang “obey-obey” ang kailangang gawin ng misis sa gustong mangyari ng kanyang mister.

Ang pinaiiral raw ngayon ay mutual respect.

Dagdag pa ni Kapunan, marami naman daw paraan kung hindi masusunod ang nais ng asawang lalaki sa oras na mag-init siya.

Nariyang maaaring magdasal daw ang mag-asawa o ‘di kaya’y manood ng isang magandang panoorin sa Netflix.

As usual, lumabas na namang katawa-tawa si Robin!

Samantala, kung laughing stock ang mambabatas sa Senado ay panalo naman siya sa puso ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez.

Wala kasing pagsidlan ang kagalakan ni Mariel sa super bonggang inihanda ni Robin para sa kanyang ika-40 kaarawan. Ronnie Carrasco III