Home ENTERTAINMENT Binoe, sinagot ang P14-M hospital bill ni Ricky!

Binoe, sinagot ang P14-M hospital bill ni Ricky!

Manila, Philippines- Sabi nga sa Bibliya, huwag mong ipaalam sa iyong kanang kamay ang ginagawa ng iyong kaliwang kamay.

May kunek ito sa mga tinatawag na random acts of kindness tulad ng kawanggawa sa kapwa.

May kumakalat kasing tsika na si Senator Robin Padilla raw ang sumagot sa P14M na hospital bills ni Ricky Davao nang maratay ito.

May 1 nang mamaalam ang actor-director sa sakit na throat cancer.

Ayon nga sa post ng partner nito of three years na si Mayeth, November pa lang daw ay nasuri nang may sakit si Ricky.

Prior to his death at home ay labas-masok daw ito sa isang mamahaling pagamutan.

Nagawang isapribado ito ni Ricky dahil na rin sa kanyang kahilingan.

Pero hindi nagpatinag ang ilang malalapit na showbiz friends ni Ricky.

Isa na nga rito si Robin na hindi na kataka-takang nagpaabot ng tulong.

Consistent naman daw ito sa pagiging bukas-palad sa kanyang mga peers.

Isa rin si Ice Seguerra who looked back on his hospital visit.

Ani Ice, kahit daw hindi na nakakapagsalita si Ricky’y madaldal pa rin ito.

Lalo rin daw nagmukhang bata ito nang mag-shave, at ikinatuwa raw nang sabihin ng doktor nito na maaari na siyang kumain ng tsokolate.

Pasalamat din si Ice kay Ricky who never missed his single show.

He even wished na naka-duet sana niya ito sa mga susunod niyang concert. Ronnie Carrasco III