Home Uncategorized BIR BINONDO, FFCCCII, NAGSAGAWA NG SEMINAR SA TAMANG PAG-FILE NG 2025 INCOME...

BIR BINONDO, FFCCCII, NAGSAGAWA NG SEMINAR SA TAMANG PAG-FILE NG 2025 INCOME TAX RETURN

124
0

MAYNILA – Sa gitna ng patuloy na hamon sa ekonomiya ng bansa mula sa pagtaas ng presyo ng langis hanggang sa epekto ng pandaigdigang tension, lalong nagiging mahalaga ang bawat ambag ng mamamayan sa pagpapatibay ng ating pambansang pondo. Isang konkretong hakbang upang maisakatuparan ito ay ang pagpapalawak ng kaalaman ng publiko hinggil sa tamang pagdedeklara at paghahain ng buwis.

Ito ang naging sentro ng gi­nanap na “Seminar on 2025 Annual Income Tax Return Filing and Payment” noong March 29, 2026. Ang inisyatibong ito ay pi­nangunahan ng Bureau of Inter­nal Revenue (BIR) Revenue District Office No. 30 – Binondo, sa ilalim ng pamumuno ni RDO Ricardo D. Go, sa pakikipagtulu­ngan ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and In­dustry, Inc. (FFCCCII) na kinata­wan ni President Victor Lim, at ng inyong Agarang Serbisyo.

Pagkakaisa ng mga Sektor

Mahigit 200 accountant, book­keeper, at negosyante mu­la sa iba’t ibang sektor sa Binondo at mga kalapit na lugar ang du­malo sa naturang se­minar. Ang mataas na bilang ng mga kalahok ay isang malinaw na in­dikasyon ng pagnanais ng publiko na maging mas maalam at responsable sa kanilang obligas­yong buwis.

Ayon sa pamunuan nina RDO Ricardo Go at President Victor Lim, sa panahong ang maling pag-file o hindi tamang pagbabayad ay maaaring magdulot ng mabibigat na parusa, ang gani­tong uri ng pagtitipon ay hindi lamang kapaki-pakinabang kundi kinakailangan upang mapanga­lagaan ang interes ng mga ne­gos­yante at ng pamahalaan.

Pag-unawa sa mga BIR Forms

Binigyang-linaw sa seminar ang paggamit ng iba’t ibang ka­tegorya ng BIR forms depende sa uri ng kita at istruktura ng ne­gosyo:
* BIR Form 1700: Para sa mga purely compensation income earners.
* BIR Form 1701: Para sa mixed income earners.
* BIR Form 1701-MS: Para sa micro and small taxpayers.
* BIR Form 1701A: Para sa mga gumagamit ng optional standard deduction.
* Serye ng 1702 (1702-EX, 1702-MX, at 1702-RT): Para sa mga korporasyon depende sa kanilang tax regime.

Modernisasyon sa Pagbabayad

Bukod sa teknikal na kaalaman sa mga forms, binigyang-diin din ang tamang proseso ng pagbabayad. Itinuro ang transisyon mula sa manual filing patungo sa paggamit ng Electro­nic Filing and Payment System (eFPS) at eBIRForms, na siyang pamantayan na ngayon sa mo­der­nong tax administration para matiyak ang bilis at seguridad ng bawat transaksyon.

Ang pagkakaroon ng tamang kaalaman ay nagsisilbing maha­lagang sandata ng bawat taxpayer upang maiwasan ang pe­nalties o audit issues.
Sa pa­mamagitan ng pagtutulungang ito ng BIR RDO 30, FFCCCII, at ng publiko, mas napatitibay ang pundasyon ng ating ekonomiya tungo sa mas maunlad na kinabukasan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here