Home NATIONWIDE BIR, BOC chiefs naghain ng courtesy resignation

BIR, BOC chiefs naghain ng courtesy resignation

224
0

Naghain ng courtesy resignation ang hepe ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs nitong Biyernes, ilang sandali matapos kumpirmahin ng Malacañang ang pananatili ni Finance Secretary Ralph Recto bilang pinuno ng kanilang parent agency.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui, lubos niyang sinuportahan ang panawagan ni Pangulong Marcos para sa pananagutan sa serbisyo publiko.

“This call for accountability shows the commitment of the president to establish a government that serves the people,” ani Lumagui sa isang pahayag.

Samantala, nagsumite rin ng kanyang courtesy resignation si Customs Commissioner Bienvenido Rubio.

Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi ni Rubio na ginawa niya ito upang malayang masuri ng Pangulo ang pagganap ng mga pinuno ng mga ahensya at upang mas mapabuti ang serbisyo para sa mamamayang Pilipino. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here