Home NATIONWIDE Comelec chair Garcia pinagbibitiw ni Cardema

Comelec chair Garcia pinagbibitiw ni Cardema

108
0

MANILA, Philippines –  Nanawagan si Ronald Cardema, chairman ng Duterte Youth party-list, sa Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia na magbitiw sa pwesto kasunod ng desisyon ng Comelec na suspindihin ang proklamasyon ng grupo bilang panalo sa mid-term elections, kung saan may karapatan silang magkaroon ng tatlong pwesto sa Kamara.

Nakatanggap ang Duterte Youth party-list ng 2,338,564 boto o 5.57 porsiyento ng mga boto sa Eleksyon 2025.

Pinuna ni Cardema ang pagpigil sa proklamasyon dahil sa umano’y “serious allegations” na mula pa noong 2019, na aniya ay hindi naresolba ng Comelec noon pa man.

“Yung huling hearing noong 2019 rin, hindi na kami muling pinatawag kahit kailan, lampas kalahating dekada na,” sabi ni Cardema sa isang forum.

Ang tinutukoy ni Cardema ay ang mga kasong isinampa noong 2019 na nagsasabing hindi karapat-dapat ang Duterte Youth na tumakbo sa party-list race dahil nabigo itong isumite ang lahat ng kinakailangang dokumento para makilala bilang isang rehistradong party-list.

Nanindigan si Comelec Chairman Garcia na ang pagsususpinde sa proklamasyon ng Duterte Youth ay nag-ugat sa mga seryosong katanungan sa merito ng kanilang paglahok sa party-list race, kaya kailangang lutasin ito nang mas maaga ng poll body.

Dagdag pa ni Garcia, wala siyang kinalaman sa pagsususpinde ng proklamasyon ng Duterte Youth dahil hindi siya lumahok sa pagboto sa Comelec sitting bilang National Board of Canvassers (NBOC) resolution na nagbigay ng suspensiyon sa proklamasyon ng mga party-list winners. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here