Home NATIONWIDE BIR nagsampa ng tax evasion case sa DOJ vs korporasyon dahil sa...

BIR nagsampa ng tax evasion case sa DOJ vs korporasyon dahil sa P262M utang sa buwis

84
0

MANILA, Philippines – Nagsampa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong kriminal laban sa Lobelle Commodities Corporation at mga opisyal nito sa Department of Justice (DOJ) nitong Mayo 7, 2026, dahil sa tax evasion kaugnay ng maling paggamit ng VAT exemption sa pag-aangkat ng palm olein oil, na nagresulta sa mahigit P262 milyon na utang sa buwis.

Saklaw ng reklamo ang pag-aangkat ng Lobelle Corporation ng palm olein oil noong 3rd at 4th quarters ng taxable year 2020.

Ayon sa BIR, nabigo ang kumpanya na bayaran ang VAT sa mga inangkat na produkto kahit hindi nito natugunan ang mga legal na kondisyon para sa exemption, na umano’y paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997.

Sa ilalim ng Tax Code, ang palm olein oil ay maaaring exempted sa VAT kung ito ay gagamitin sa paggawa ng finished feeds para sa hayop at kung sertipikado ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi ito angkop para sa pagkain ng tao.

Natuklasan ng BIR na ang Lobelle Corporation ay hindi gumagawa ng finished animal feeds, kaya malamang na hindi para sa naturang layunin ang inangkat na palm olein oil.

Dagdag pa rito, ibinenta ng kumpanya ang inangkat na produkto sa ibang mga entidad na hindi rin gumagawa ng finished feeds. Ayon sa FDA, walang rekord ng anumang kahilingan mula sa Lobelle Corporation para sa sertipikasyon kaugnay ng kanilang pag-aangkat noong 2020.

Dahil dito, idineklara ng BIR na ang mga inangkat na produkto ay dapat patawan ng VAT. Ayon kay Commissioner Charlito Martin R. Mendoza ang mga tax exemption ay para lamang sa tiyak na layunin sa ilalim ng batas.

Hindi ito maaaring abusuhin o gamitin kung hindi natutugunan ang mga kondisyon. Kapag inabuso ang exemption, nawawalan ng kita ang gobyerno at napapahamak ang mga sumusunod na taxpayers. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here