Home NATIONWIDE BIR nagsampa ng tax evation case vs Wawao Builders

BIR nagsampa ng tax evation case vs Wawao Builders

218
0

MANILA, Philippines – Isa-isa nang hinahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga pulitiko, personalidad, at contractors na sangkot sa maanomalyang flood control project dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.

Ito ay matapos maghain ng reklamong kriminal sa Department of Justice ang BIR laban kay Mark Allan Villamor Arevalo, sole proprietor ng Wawao Builders, dahil sa tinatayang P48.39 milyong tax deficiency sa mga ghost project sa Malolos, Bulacan.

Ayon sa BIR, may kontrata ang Wawao Builders para sa pagtatayo ng Riverbank Protection Structure sa Barangay Caingin na nagkakahalaga ng P77.20 milyon, at nakatanggap ng mahigit P72 milyon, subalit walang naitayong istruktura sa lugar sa kabila ng ulat na nakumpleto ito ng isang daang porsyento.

Dagdag pa, nilabag ng Wawao Builders ang National Internal Revenue Code sa pamamagitan ng tax evasion at hindi tamang pagdedeklara ng Income Tax at VAT Returns para sa unang at ikalawang quarter ng 2024.

Samantala, hindi rin lusot sa imbestigasyon ng BIR ang mga mambabatas sa nagpapatuloy nilang pagsisiyasat.

Kasama sa kinakalap ng kanilang mga tauhan ang mga dokumento na patunay na magdidiin sa mga personalidad na ito sa mga paglabag.

Una nang sinabi ni dating BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na maging ilang kongresista ay kasama sa iniimbestigahan ng komisyon kaugnay sa kontrobersiya sa flood control projects.

—Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here