MANILA, Philippines – Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang ban sa pag-aangkat ng ibon at produktong manok mula Belgium matapos makumpirmang kontrolado na ang avian flu outbreak doon.
Sa Memorandum Order No. 30, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na natugunan ng Belgium ang mga pamantayan ng World Organization for Animal Health (WOAH) at walang bagong kaso mula pa noong Pebrero 28.
“Belgium is now free from HPAI and the risk of contamination from importing domestic and wild birds and their products, including poultry meat, day-old chicks, eggs and semen is negligible,” ayon sa Agriculture chief.
Muling papayagan ang kalakalan para matiyak ang suplay ng manok sa bansa, kasabay ng pagpapanatili ng mahigpit na biosecurity.
Ang ban ay ipinataw noong Pebrero dahil sa H5N1 outbreak sa Sint-Niklaas. RNT