Home NATIONWIDE Birthday wish ni VP Sara: Makauwi na si Tatay Digong, manalo PDP...

Birthday wish ni VP Sara: Makauwi na si Tatay Digong, manalo PDP senatorial slate

263
0

MANILA, Philippines – Mayroon lamang umanong dalawang kahilingan sa kaarawan si Vice President Sara Duterte; ito ay ang paglaya ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, at pagkapanalo ng senatorial slate ng PDP Laban sa 2025 elections.

Si VP Sara ay magdiriwang ng kanyang ika-47 kaarawan sa Mayo 31, ay sinabing umaasa siyang ang 10 senatorial candidates ng PDP Laban at ang dalawang guest candidates na sina Senador Imee Marcos at Las Piñas Representative Camille Villar ay mananalo ngayong eleksyon.

Ang dalawang mambabatas ay kamakailang inampon ng PDP Laban sa paghahanap nito ng mas maraming kaalyado na poprotekta laban sa impeachment ng Bise Presidente.

Ani Duterte, nakausap umano niya ang kanyang ama at nagbigay ng realistic numbers sa sitwasyon sa halalan.

“Sinabi niya, well, kung ‘yan ‘yung realistic, sabi niya, iiwan na lang natin sa Diyos ‘yung miracles. At sinabi niya, since tapos na ‘yung kampanya at eleksyon, kung pwede ko ba daw tutukan ‘yung kaso naman niya na sinabi ko naman sa kanya na gagawin ko ‘yun,” ayon pa kay VP Sara sa isang press conference sa Davao City.

Kasalukuyang naka-detain ang dating Pangulo sa The Hague at nahaharap sa reklamong crimes against humanity ng International Criminal Court.

Ang pagkakulong na ito ng dating Pangulo ang ikalawang birthday wish ni VP Sara.

“Pinromise ko sa mga magulang ko na mag-birthday ako na nandyan silang dalawa. So pupunta kami ng mother ko para mag-celebrate with former President Duterte, and then pagkatapos namin pumasok doon sa loob, I can do a gathering, a discussion, a forum with mga kababayan nating OFWs doon sa The Hague,” ani VP Sara. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here