Home HOME BANNER STORY Walang major delay sa pag-access ng resulta ng halalan – Comelec

Walang major delay sa pag-access ng resulta ng halalan – Comelec

324
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Commission on Elections (Chairman) George Garcia na walang naging major delay sa pag-access sa resulta ng halalan, sa pagsasabing ang lahat ng election retursn na ipinadadala sa poll watchdogs at media organizations ay hindi iba sa mga natatanggap ng Comelec.

Bandang alas-8 kasi ng gabi nitong Lunes, Mayo 12, sinabi ng watchdog Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na nakatanggap ang kanilang mga server ng 34% ng election returns ngunit hindi nila ito madownload para sa pagproseso at tinawag na isang “serious concern.”

Kalaunan ay na-access naman ang transmission.

“Kanina po kausap ko sila, pumapasok po sa primary server niyo po eh. At the same time, doon po sa monitoring namin, mas advanced pa po sila sa amin. Iyong isa ko pong nakita, naka 42 [election returns] na sila, kami 39 [pa lang]. Talagang meron pong ganun minsan, like in texting, in a matter of seconds, pag pinagsama-sama lahat, may nauuna at nahuhuli iyong iba. Pero minutes lang po, hindi po major,” ani Garcia.

“’Yung po sigurong kanilang server, baka po nagkaroon ng delay. Pero ‘yung server ng Comelec, kanina pa pong alas siyete tayo nakakatanggap ng [election returns reflecting the] results,” dagdag pa niya.

Bagama’t hindi gumagamit ng parehong transparency servers ang Comelec at election watchdogs, sinabi ni Garcia na may pamamaraan sila upang maipadala ang lahat ng election returns na ipinadadala sa lahat ng transparency servers ng watchdogs ay pareho sa election returns na natatanggap ng Comelec.

“Ang pinaka-importante pa rin po ganito, parehas po ba ‘yung napapadala sa kanila at napapadala sa amin? May paraan ba to counter check kung parehas? Pwede po. Bakit? Si Namfrel mismo ay pinayagan ng Comelec in 60 areas, 60 sa buong Pilipinas, na i-capture ang QR code hindi ng ER kundi resibo [ng balota na ipinasok sa counting machines],” aniya.

“Puwede nilang makita kung tumutugma ba yung bilang ng resibo sa bawat posisyon as against sa election returns,” dagdag ni Garcia.

“Mukha po na hindi kami makakareach ng 100% sapagkat meron po kaming Datu Odin Sinsuat [in Maguindanao del Norte] na binigyan namin ang continuation ng kanilang eleksyon at ‘yung 11,000 na hindi pa nakaboto, kahit na ang botong involved ay maaaring hindi [na] maka-apekto sa results ng national [elections]. Kahit nga siguro sa local,” pagpapatuloy ng Comelec chairman.

“Wala po tayong iiwan na mga kababayan natin. Dapat po makakaboto [muna] sila.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here