MANILA, Philippines – Nangunguna sa partial at unofficial tally sa labanan sa party-list ang Akbayan, Duterte Youth, at Tingog.
Ayon kasi sa latest partial, unofficial results ng botohan sa Commission on Elections, nakakuha ang Akbayan ng 2,633,491 boto o 3.77% ng kabuuang mga boto.
Sinundan naman ito ng Duterte Youth party-list sa 2,146,221 na boto, at Tingog na may 1,595,624 na boto.
Ito ay batay sa 71.17 percent ng mga naprosesong election returns o katumbas ng 51,808,990 na mga boto.
Samantala, pasok naman sa top 10 ng mga party-list ay ang 4Ps, ACT-CIS, Ako Bicol, Solid North Party, Uswas Ilonggo, Trabaho, at CIBAC. RNT/JGC