Ganito tinuloy ni Senador Jinggoy Estrada ang birthplace na nakalagay sa birth certificate ni
Cassandra Li Ong, ang authorized representative ng POGO firm na Lucky South 99.
Kinwestyon kasi ni Estrada ang mga detalye sa birth certificate ni Ong sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality kasama ang Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) nitong Martes, Setyembre 17.
“Base sa record ng birth certificate mo, ipinanganak ka sa San Juan…ipinanganak ka through hilot by a certain Rosario Mendez…at ang address na nakalagay ay 347 P. Mendoza St.,” ani Estrada.
“Wala na raw ngayong house number maski noon pa…Wala rin nakakakilala sa sinasabing manghihillot na nagngangalang Rosario Mendez. I’d like to point out that the place of birth indicated in the certificate of live birth is 345 P. Mendoza St, wala pong ganiyang address or house number sa San Juan,” dagdag pa ng senador.
“It seems the entries in the birth certificate are quite questionable.”
Samantala, hiniling ng Senador sa Philippine Statistics Authority (PSA) na imbestigahan ang birth certificate ni Ong matapos mapag-alaman na ang sinasabing mga magulang nito ay walang nakarehistrong marriage certificate sa kabila na nakalagay ito sa kanyang certificate of live birth.
“This is another case of a questionable birth certificate issued through late registration. There is no basis for the issuance of Cassie Ong’s birth certificate. This should be investigated and immediately be canceled if there are findings,” ani Estrada.
Para sa PSA, naglunsad na umano sila ng fact-finding panel para imbestigahan ang birth certificate ni Ong at iba pang indibidwal.
Matatandaan na dumalo si Ong sa pagdinig ng Senado sa unang pagkakataon matapos itong hindi makadalo sa mga nagdaang imbestigasyon dahil sa kanyang medical condition. RNT/JGC