Home ENTERTAINMENT Claudine, humihingi ng dasal sa ina!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Claudine, humihingi ng dasal sa ina!September 17, 2024 16:32 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Sinamantala na ni Claudine Barretto ang kanyang social media account para humingi ng panalangin para sa kanyang ina.In an uploaded photo nitong September 16, Lunes ay nanawagan ang aktres na ipagdasal ang kanyang 87 anyos na inang si Estrella “Inday” Barretto.Mahigit isang linggo na raw nakaratay sa isang undisclosed hospital si Mommy Inday.Walang binanggit si Claudine tungkol sa sanhi ng hospital confinement ng ina maliban sa naibahagi na niya noon na meron itong lupus.Sila lang daw ng kanyang Kuya Mito at hipag na si Connie ang nag-aalaga sa maysakit na magulang.Kasabay nito’y “tinuhog” na rin ni Claudine ang paghingi ng panalangin para sa kanya.Lahad niya, isang linggo na raw siyang hindi nakakatulog nang maayos.Bukod pa raw ito sa kanyang bumababang timbang na 87 lbs sa kasalukuyan.Bago rito’y napaulat na nahulog mula sa escalator sa isang shopping mall si Mommy Inday, dahilan para isugod siya sa pagamutan.“Please pray for my mom whom I love dearly. She’s the only parent I’ve got!” post ni Claudine.Matatandaang sumakabilang-buhay ang patriarch ng Barretto family noong October 2019.Our healing prayers for Mommy Inday and Claudine. Ronnie Carrasco III