Home NATIONWIDE Bishop Ocasiano, inilagay sa Diocese of Virac

Bishop Ocasiano, inilagay sa Diocese of Virac

MANILA, Philippines – Itinalaga bilang bagong pastol ng Diocese of Virac, lalawigan ng Catanduanes si Bishop Lusito Occiano kasabay ng paghingi nito ng panalangin sa kanyang bagong trabaho.

Ito ang kahilingan ng Obispo makaraang mailuklok sa Cathedra ng diyosesis sa Immaculate Conception Cathedral and Parish sa Virac nitong June 26, 2024.

Sinabi ni Bishop Occiano na mahalaga ang mga panalangin para maging matagumpay ang kanyang pagpapastol at maisabuhay ang episcopal motto na ‘Cum Gaudio Praedicare’ o ‘To Proclaim the Good News with Joy’.

“As I embark on this new journey as shepherd of the Diocese of Virac, I am committed to fostering a spiritual life. Pray for me as I proclaim the good news of Christ to this happy island of Catanduanes,” pahayag ni Bishop Occiano sa Radio Veritas

Pinasalamatan din ng Obispo ang mamamayan ng Catanduanes sa mainit na pagtanggap bilang pastol sa mahigit 300-libong mananampalataya sa buong lalawigan.

“I must express my deep appreciation for the welcome. I have received your kindness and hospitality had made me feel immediate at home and I am very eager to begin this journey with you,” dagdag pa ni Bishop Occiano.

Tiniyak ng obispo ang pakikilakbay sa nasasakupang kawan at pakikinig sa kanilang pangangailangan lalo na ang paghuhubog sa espiritwal na aspeto.

Pinangunahan ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang pagluklok kay Bishop Occiano kasama si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na nasaksihan ng daan daang mananampalataya, mga obispo ng Bicolandia at Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula. Jocelyn Tabangcura-Domenden