Home NATIONWIDE Defense ties ng Pilipinas, Brunei muling pinagtibay

Defense ties ng Pilipinas, Brunei muling pinagtibay

MANILA, Philippines – MULING pinagtibay ng Pilipinas ang commitment nito na palakasin ang ‘bilateral defense ties’ sa Brunei Darussalam.

Ito’y matapos ang naging pagbisita ng high-level delegation ng Defense Ministry ng Brunei sa Department of National Defense (DND) headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City noong Hunyo 19.

Ang delegasyon ng Brunei ay pinangunahan ni retired Brig. Gen. Dato Seri Pahlawan Haji Alirupendi bin Haji Perudin, Permanent Secretary ng Ministry of Defense.

Sinabi ni DND spokesperson Arsenio Andolong na ang delegasyon ay nasa Maynila mula Hunyo 18 hanggang 20 para magtipon-tipon para sa 9th iteration ng Joint Defense Working Committee (JDWC) Meeting sa pagitan ng Maynila at Bandar Seri Begawan.

“Co-chairing the 9th JDWC Meeting, DND Undersecretary for Capability Assessment and Development Angelito M. De Leon welcomed back Permanent Secretary Alirupendi to the Philippines as he previously served as the Defense Attaché of Brunei Darussalam to the Philippines from 2010-2013. With the reconvening of JDWC Meeting, which was stalled due to several factors since its last iteration in 2016,” ayon kay Andolong.

Aniya pa, itinuring ni De Leon ang miting bilang napapanahong okasyon para palakasin ang implementasyon ng 2001 Memorandum of Understanding on Defense Cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa naturang pulong, pinuri ni De Leon ang mahalagang kontribusyon ng Brunei Darussalam sa pagsasakatuparan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pamamagitan ng International Monitoring Team (IMT) at Independent Decommissioning Body (IDB).

“He (De Leon) further enjoined Brunei Darussalam to assist BARMM’s local economy and industries, such as through Islamic banking and investments, as well as enhance Islamic education in Madrasahs to prevent the spread of extremist ideologies, especially in the upcoming parliamentary elections in 2025,” ang tinuran pa ni Andolong. Kris Jose