Home NATIONWIDE Mga pamilya hinikayat ng DepEd: Kausapin mga anak tungkol sa pag-aaral

Mga pamilya hinikayat ng DepEd: Kausapin mga anak tungkol sa pag-aaral

1
0

MANILA, Philippines – HINIKAYAT ng Department of Education (DepEd) ang mga pamilya na “take a more active role” sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Tinukoy ang international report hinggil sa pagbaba ng bilang ng mga estudyanteng filipino na kinakausap ang kanilang mga magulang o guardians hinggil sa kanilang mga aktibidad o concerns sa eskuwelahan.

Sinabi ng DepEd na base sa natuklasan ng Programme for International Student Assessment (Pisa) 2025, 54% lamang ng mga filipinong mag-aaral ang nagsabi na nakakausap nila ang kanilang mga magulang o guardian ukol sa “what they did” sa eskuwelahan isang beses sa isang linggo.

Samantalang, 38% naman ng mga estudyanteng pinoy ang nagpahayag na kinakausap nila ang mga magulang o guardians ukol sa mga problema na mayroon sila sa eskuwelahan isang beses sa isang linggo.

Sinabi ng DepEd na ang parehong pigura ay mas mababa kaysa sa naitala sa Pisa 2022, makikita na 57% ng mga estudyanteng pinoy ang nakikipag-usap sa kanilang magulang ukol sa school activities, isang beses sa isang linggo at 45% naman ang pinag-uusapan ay tungkol sa school-related problems isang beses sa isang linggo.

“We need to include the families. A big part of a child’s education involves simply talking to them about their day at school, listening to their problems, and encouraging them to continue even when they are having difficulties,” ang sinabi ni Education Secretary Sonny Angara sa isang kalatas.

Isinagawa ng Organisation for Economic Co-operation and Development, ang Pisa ay isang international comparative survey ng 15-year-old students sakop ang mahigit sa 90 bansa at ekonomiya.

Ang pinakabagong pag-aaral ay inilabas nito lamang Setyembre 8.

Sa lahay ng mga bansang nagawan ng survey, sinasabi sa pag-aaral na 71% ng mga estudyante ang kinakausap ang kanilang mga magilang kol sa kung ano ang kanilang ginawa sa eskuwelahan isang beses sa isang linggo habang 46% naman ang pinag-uusapan ang problema na mayroon sila sa paaralan.

“The parents’ engagement with their child’s learning “plays an important role in shaping students’ education” as they can help in the formation of skills, developing proper attitudes towards learning, as well as influence educational expectations,” ayon sa Pisa.

“Higher levels of family support are consistently associated with higher science performance and more positive attitudes towards learning in nearly all countries/economies. These positive associations remain after accounting for students’ and schools’ socio-economic profile,” ang sinabi pa rin nito.

Tinukoy din sa pag-aaral na ang mga estudyante na tinatanong ng kanilang mga magulang hinggil sa kung ano ang kanilang ginawa sa paaralan ay sinasabing ‘generally perform better’ sa agham.

“While parents’ engagement has decreased, ayon sa DepEd, natuklasan naman ng Pisa na ang mga mag-aaral na pinoy ay “have several positive learning attitudes that schools and families can build on.”

Ayon sa pag-aaral, 79% ng mga estudyanteng pinoy ang ‘agree o strongly agree’ na mausisa sila sa maraming iba’t ibang bagay, kumpara sa 73% sa iba’t ibang nagpartisipang bansa.

Idagdag pa na 78% ng mga estudyanteng pinoy ay nagpahayag na gumamit sila ng karagdang pagsisikap kapag ang kanilang ginagawa ay mapanghamon , mas mataas kaysa sa 60-percent average. Samantala, 22% naman ang nagsabi na naniniwala sila na ang paaralan ay “has been a waste of time,” na may average na 24%.

“Curiosity, perseverance and valuing school are most often associated with higher science performance,” ayon sa pag-aaral.

Gayundin, natuklasan na may 89% ng mga estudyanteng pinoy ang humihingi ng tulong sa kanilang guro kapag kailangan ng mga ito at 90% naman ang nagsabi na tinatanong nila ang kanilang mga kaklase kapag mayroong hindi nila gaanong maintindihan.

Ang parehong pigura ay mas mataas kaysa sa average sa lahat ng nagpartisipang bansa kung saan 77% at 82%, ayon sa pagkakabanggit.

“These are strengths that we must build on. Our learners are showing perseverance, curiosity and a willingness to seek help. With stronger support from families, teachers and communities, we can help them turn these positive attitudes into better learning outcomes,” ang winika ni Angara.

Sinabi pa ni Angara na ang DepEd ay “will continue working with teachers, parents, communities and other education stakeholders to translate the lessons from Pisa into concrete actions that can improve learning in Philippine schools.” KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here