Home NATIONWIDE 17 LGUs pinarangalan ni PBBM sa ‘Best Anti-Hunger Initiatives’

17 LGUs pinarangalan ni PBBM sa ‘Best Anti-Hunger Initiatives’

MANILA, Philippines – KINILALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Miyerkules, Hunyo 26 ang Local Government Units (LGUs) para sa natatanging ‘anti-hunger initiatives.’

Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos sa isinagawang ‘Walang Gutom Awards’ Sa Palasyo ng Malakanyang, kinilala ng Pangulo ang mahalagang papel ng LGUs na mayroong mas mahusay na kaalaman at pananaw sa insidente ng pagkagutom sa kanilang lokalidad.

“They may even have better programs, strategies, or approaches to address hunger,” ayon sa Pangulo.

“And that is why, today, we confer the Walang Gutom Awards or the WGA to recognize the local governments that have been exceptional in addressing hunger in their communities,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

Ang mga awardees ay ang mga barangay sa Commonwealth, Quezon City, at Naggasican, Santiago City, kasama ang munisipalidad ng Asuncion, Davao del Norte; Palompon, Leyte; at Bacnotan, La Union.

Ang Lungsod ng Kidapawan sa Cotabato ay isa rin sa mga awardees kasama ang mga lungsod ng Bago, Cadiz, Mati, at lalawigan ng Biliran. Tinatayang P2 milyong halaga ng Sustainable Livelihood Program Funds ang ipinagkaloob sa mga nanalo habang ang natitirang finalists ay nakatanggap ng P1 million.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pakikipagtulungan sa Galing Pook Foundation (GPF), inilunsad ang WGA, isang Inisyatiba na tutukoy at ipo-promote ang LGUs na may matagumpay na programa para labanan ang kagutuman.

Tinuran pa ni Pangulong Marcos na ang 17 finalists ay masusing sinuri gamit ang pamantayan ng “impact, inclusivity, innovation, resilience, sustainability, at efficiency.”

“I thank the Galing Pook Foundation and the DSWD, led by Secretary Rex Gatchalian, for coming up with this initiative,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sabay sabing “To all the seventeen finalists of this year’s Walang Gutom Awards, I salute you! Each of you has already won and included in this prestigious list of nominees.”

Kinilala naman ni Pangulong Marcos ang lahat ng 101 LGUs na nakiisa sa programa.

Pinuri naman ng Pangulo ang ‘proactive involvement’ ng LGUs sa programa lalo na sa inisyatiba ng national government na tuldukan na ang pagkagutom na sanhi ng pagdurusa ng “vulnerable at marginalized Filipino” sa maraming dekada.

“Indeed, we need more LGUs like you to achieve our mission of “Walang Gutom” by 2027 and I pray that this year’s awards will also spur and inspire other LGUs to replicate your successes across the country,” aniya pa rin.

Tinukoy ang DSWD data, winika ni Pangulong Marcos na 12% ng Pamilyang Filipino o tatlong milyong pamilya ang nakaranas ng pagkagutom, “at least once over the last three months” ng 2022 habang isa naman sa tatlong filipinong anak na mababa sa limang taon ay dumanas ng pagkabansot dahil sa malnutrisyon.

“The Philippine ranking in the Global Hunger Index (GHI) is also far from ideal, with the country scoring 14.8 or moderately hunger, which fares below the regional score of East and Southeast Asia at 8.2,” ayon sa Pangulo.

“We are aware of the challenges that we face, but we see the potential to change our situation,” aniya pa rin.

Kinilala naman ng Pangulo ang pagsisikap kapuwa ng public at private sectors para tugunan ang pagkagutom kasabay ng pagbibigay-diin sa paglagda sa Executive Order No. 44 noong Oktubre, nilikha ang ‘Walang Gutom 2027: Food Stamp Program.

”The program is implemented by the DSWD to provide monetary assistance for targeted beneficiaries to purchase food commodities from eligible partner merchant stores, among others,” ayon sa ulat. Kris Jose