MANILA, Philippines – Pansamatalang nasa limited operations ang LRT-1 na ang mga tren ay tumatakbo lamang mula sa Fernando Poe Jr. Station sa EDSA, Quezon City hanggang sa Gil Puyat Station southbound sa Pasay City (unloading lamang); sa Vito Cruz Station (loading) at vice versa.
Kasalukuyang namang nasa site ang Engineering Team ng LRT-1 Light Rail Manila Corporation (LRMC) na private operator upang tugunan ang electrical fault sa pagitan ng Redemptorist-Aseana Station at Baclaran Station.
Kasabayan nito, ang Team ng LMRC ay nagsasagawa ng masusing assessment ng kanilang “catenary facilities” upang resolbahin ang mga isyu, na susundan ng kinakailangang repair.
Ayon sa LMRC, napakahalaga ng proactive measures para tiyakin ang kaligtasan at reliability sa buong LRT-1 system.
“LRMC is committed to providing continuous service to our passengers. We are closely monitoring the situation and will provide real-time updates as progress is made. We sincerely apologize for the inconvenience caused by this unforeseen incident,” paniniyak ng LMRC.
Pinayuhan naman ng LMRC ang mga commuter na planuhin muna ang kanilang mga byahe, habang nananatiling nakaantabay sa mga impormasyon mula sa official channels para latest advisories. Dave Baluyot