Home METRO Biyuda lasog matapos tumalon sa ika-17 palapag

Biyuda lasog matapos tumalon sa ika-17 palapag

MANILA, Philippines – BASAG ang bungo at lasog ang katawan ng isang 62-anyos na ginang, makaraan umanong tumalon mula sa ika-17 palapag ng gusali sa isang condominium sa Sta.Cruz, Manila, Huwebes ng hapon, Enero 4.

Kinilala ang biktima sa pangalang ” Elsa” biyuda at residente ng isang Condo sa naturang lugar sa Felix Huertas Street, Barangay 350, Sta. Cruz, Manila.

Base sa ulat ng Manila Police District- Homicide Section, bandang 2:35 ng hapon,n ang impormahan ang kanilang tanggapan dahil sa naturang insidente.

Nauna rito, bandang 12:30 ng hapon, sabay-sabay na kumain ng tanghalian ang ginang kasama ang anak nitong lalaki na 21-anyos at ang anak na babae na 29-anyos.

Matapos ang pananghalian, nakarinig na lamang ng malakas na kalabog ang isang house keeping ng nasabing condominium at dito na nakita ang nakahandusay na biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman sa dalawa nitong anak na umano’y dumaranas ng pagkabalisa at matinding depresyon ang kanilang ina at hindi lamang iisang beses na tinagka nitong magpakamatay. Rene Crisostomo

Previous articlePinay arestado sa pamamaril sa Las Vegas pastor
Next articlePatay sa killer quake sa Japan umakyat na sa 92