Home NATIONWIDE Pinay arestado sa pamamaril sa Las Vegas pastor

Pinay arestado sa pamamaril sa Las Vegas pastor

NEW YORK — Arestado ang isang 36-anyos na babaeng Pinoy sa North Las Vegas, Nevada, matapos umanong barilin ang isang pastor sa harap ng kanyang asawa at dalawang anak habang nag-aaway.

Ang biktimang si Nick Davi, isang 46-anyos na pastor sa Grace Point Church sa Las Vegas, ay binawian ng buhay sa ospital. Ang kanyang asawa ay nagtamo ng mga hindi nakamamatay na pinsala.

Ipinahayag ng North Las Vegas Police na nagkaroon ng alitan sa pagitan ng biktima at ng suspek na humantong sa pamamaril.

Sinabi ni Ty Neal, isa pang pastor mula sa Grace Point Church, sa kongregasyon sa isang video sa YouTube na matagal nang tinatakot ng suspek ang pamilya ng pastor.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang tunay na motibo sa likod ng pamamaril.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong murder, attempted murder, discharge of firearms, at two counts of child abuse. Siya ay kasalukuyang nakakulong sa Clark County Detention Center. RNT

Previous article1.9M puno itinanim ng DepEd
Next articleBiyuda lasog matapos tumalon sa ika-17 palapag