Home ENTERTAINMENT Block screening ng biopic ni Imelda Papin, dinumog!

Block screening ng biopic ni Imelda Papin, dinumog!

Manila, Philippines – Asia’s Sentimental Songstress Imelda Papin was in Cloud 9 dahil punung-puno ang apat na sinehan sa MOA para sa block screening ng Imelda Papin, The Untold Story last weekend.

Dalawang screening ang naganap at ang lahat nang yun ay napuno ng moviegoers.

“Maganda ang feedback ng mga nakapanood dahil maraming iyakan and tawanan, and inspirational talaga ang movie na ito.

“Pinakita kasi dito ang tunay na pagmamahal at kung gaano ko niyakap ang pagiging loyaliista sa lahat ng bagay,” sabi ni Imelda.

Si Claudine Barretto ang gumanap sa character ni Imelda.

“Si Mafi (Papin) talaga ang nag-suggest kay Clau and okay naman siya sa director namin.

“I’ve seen her several times sa teleserye and sa moviea and okay naman si Clau,” sabi pa ni Papin.

Bakit tinanggal ang salitang ‘loyalista’ sa unang title ng movie at ngayon ay binago na.

“‘Yung team ng Queenstar production, we had a meeting and we came up on changing the title since it’s really my story naman.

“Nu’ng nawala ang ‘loyalista’ sa title, e, nagustuhan nila. Mas maganda ‘yung title ngayon kasi buhay ko naman ang kinukwento.

“Pero hindi nawawala ang pagiging loyalista ko.

“Ang pagging loyalista; e, nirespeto. Kasi ‘yung word na ‘yun sa isang kaibigan at sa ating bansa, ibig sabihin, e, binigyan ako ng respeto,” sabi niya.

Itong kuwento ng pelikulang Imelda Papin, The Untold Story, ay mas naka-focus sa pagsama niya sa dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Hawaii.

Ipinagpaalam daw niya ito kay dating First Lady Imelda Romualdez-Marcos.

Nakita naman namin na may ilang government officials na dumalo na ipinagpasalamat ng Asia’s Sentimental Songstress.

Nakatakda namang ilibot ang pelikula sa buong mundo kaya ng Hingkong sa end of May, sa Singapore at sa Dubai and USA kasama na anv Las Vegas at sa California and New York.

May screejing din daw sila sa Canada and Hawaii.

“Lilibot talaga ito pero dito muna sa Metro Manila kasi maraming schedule dito like sa April 13 nasa Pampanga kami, sa SM City Clark naman, e, sa May 1. In Davao City meron ding schedule and sa May 4, nasa SM North Edsa naman ii-screen.

“Nakakatuwa dahil maraming naka-line up,” saad pa ni Imelda. JP Ignacio