MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang maling impormasyon na kumakalat online tungkol sa umano’y “Faculty of Medicine” members na bumibisita sa mga bahay para magsagawa ng blood sugar tests gamit ang HIV-contaminated needles.
Sa pahayag ng DOH nitong Sabado, Enero 11, nilinaw na nauna nang pinasinungalingan ng Philippine National Police ang isyu at sinabing ito ay isang baseless scare tactic.
“The DOH urges the public not to share unverified claims that may cause unnecessary alarm,” saad pa sa pahayag.
Hinimok ng Health Department ang publiko na makibalita lamang sa mga lehitimong source at official platforms para masiguro ang tamang impormasyon. RNT/JGC