Home METRO Boat Captain tigok sa pananaksak ng fishing helper

Boat Captain tigok sa pananaksak ng fishing helper

278
0

QUEZON, Philippines – Bangkay na nang matagpuan kahapon ng umaga ang isang kapitan ng F/B Maxine fishing boat matapos na pagsasaksakin ng fishing helper nito sa Barangay Balungay Panukulan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Kuya Ruel, nasa hustong gulang, boat captain ng F/B Maxine, tubong Barangay Aroma Mamburao, Occidental Mindoro.

Samantalang kaagad na sumuko ang suspek sa Barangay Hall at sinabi ang ginawa nitong pananaksak sa kanyang boat captain.

Ang suspek nakilalang si alyas Robert 28, may-asawa, residente Barangay Aroma, Mamburao, Occidental Mindoro na pansamantalang nasa kustodiya ng Panukulan Municipal  Police Station at mahaharap sa kasong murder.

Base sa inisyal na report ng pulisya dakong alas-9:30 ng umaga kahapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng mga nagsasagawa ng search and rescue operation, kasama ang mga mangingisda sa gilid ng ilog ng Barangay Balungay Panukulan, Quezon.

Kaugnay nito, masaya umanong nag- iinuman sa F/B Maxine ang biktima at suspek kasama ang ilang mangingisda nang ganap na alas-11:30 ng gabi (Sept. 16, 2025) nang bigla umanong magkaroon ng mainitang pagtatalo ang boat captain (biktima) at fishing boat helper nito (suspek) na nauwi sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Napag-alaman na duguan at aksidente umanong nahulog ang biktima sa ilog, kung saan nagawa din tumalon ng suspek at sa pamamagitan ng paglangoy ay narating nito ang dalampasigan at kaagad ipinagbigay alam sa kanilang Barangay Hall ang naganap na krimen na kinasasangkutan nito. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here