Home ENTERTAINMENT Pinambibili ni Heart ng bag, taxpayer’s money raw!

Pinambibili ni Heart ng bag, taxpayer’s money raw!

275
0

Manila, Philippines – Pinuputakti ng batikos si Heart Evangelista dahil sa pagkakadawit ng kanyang asawa na si Senator Francis Escudero sa  anomalya ng flood control projects ng Department of Public Works and Highways.

Giit kasi ng netizens na pera raw ng bayan ang ginagamit ni Heart sa.pag-rampa-rampa sa mga fashion week sa iba’t ibang bansa bitbit pa ang kanyang glam team.

Hindi naman daw kumikita si Heart ng ganoon kalaki sa pagrampa niya abroad suot ang mga mamahaling damit, bags, shoes and jewelries. Bagkus, siya pa ang gumagastos para bilhin ang nagugustuhan niyang damit at accessories.

Ni-reveal ng dating glam team raw ni Heart na ang misis ni Sen. Chiz ang second biggest customer ng kilalang brand na YSL.

Ang claim ng netizens, pera raw ng bayan ang nilulustay ni Heart sa kanyang mga mamahaling gamit.

Idagdag pa ang latest issue kay Sen. Chiz na silang dalawa ng kontrobersyal na Kongresista at contractor na si Zaldy Co ang may last say sa budget ng bansa for 2025.

Ibinuking ng ibang mambabatas na diumano ay may 20,000 projects ang ipinasok ni Sen. Chiz at Zaldy Co sa budget ng gobyerno for 2025.

At kada isang project na yan malamang ay hindi bababa sa milyung halaga ang perang nakalaan dito.

Pasok na pasok daw sa pambili ng million peso bag, shoes and other accessories collection ng misis ni Sen. Chiz.

Ganoon ba?

Hanggang ngayon ay tahimik lang si Heart sa paratang na ‘yan. Julie Bonifacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here