Home ENTERTAINMENT Jowa ni Ryan, natauhan?

Jowa ni Ryan, natauhan?

341
0

Manila, Philippines – Usap-usapan ang diumanoy’ pagkakakansela ng kasal nina Ryan Bang at ng non-showbiz girlfriend nitong si Paola Huyong.

Hanggang ngayon naman ay pilit pa ring iniintriga ang dalawa kung ano ang naging cause ng kanilang hiwalayan.

Hindi pa rin kasi nagsasalita ang couple tungkol sa kanilang rumored breakup.

Sa isa namang post ng femmenova.club, hindi nakaligtas sa mga nagmamarisol ang pagla-like ni Paola sa isang makahulugang hugot.

Sey sa cryptic post: “The pain of marrying the wrong  person is far worse than the fear of not being married by 30. Take this as a sign.”

Dahil pinusuan ni Paola ang nasabing post, inuurot ng mga katikatera na nauntog o natauhan daw ang una kaya nakipagkalas ito kay Ryan.

Ito ang ilan sa mga komento nang mapag-usapan ito sa isang portal.

“Natauhan si teh.”

“Feeling ko, may nakitang red flag si girl kaya siya umatras.”

“Sayang naman. Bagay pa naman sila.”

“Pareho ang kapalaran nina Dominic at Ryan.”

“This too shall pass, Pao. Hugs with consent!”

“Cultural difference rin siguro. One thing in common between Korea and Philippines is the traditional mindset that when you’re getting married, it is not just a union between two people in love, but also between two families.”

“It’s better to have a broken engagement than a broken marriage.”

“Well much better na maghiwalay sila kesa umabot na kasal na sila.Hirap ng annulment sa Pinas.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here