Home OPINION BOC CHIEF: ‘STOP’ MUNA SA LOA

BOC CHIEF: ‘STOP’ MUNA SA LOA

212
0

MARAMI sa hanay ng mga importer at iba pang may mga transaksyon sa Aduana ang “nakahinga ng maluwag” (kahit pansamantala) matapos ipatigil ni Commissioner Ariel Nepomuceno ang pagsisilbi ng mga Letter of Authority na hindi pa naipatutupad hanggang makaupo siya sa pwesto nitong Hulyo 1.

Kasabay nito, inutusan rin niya ang bagong “bosing” sa Intelligence Group na si Deputy Commissioner comm. Romeo Rosales at Enforcement Group Deputy Commissioner Nolasco Bathan, na isumite sa kanya ang “imbentaryo” ng mga naging operasyon mula sa mga inisyung LOAs ni dating Comm. Bienvenido Rubio.

Ang LOA, bilang ‘visitation power’ ng Commissioner of Customs ay isa sa epektibong “sandata” ng BOC na itinatakda ng batas (RA 10863) upang labanan ang problema sa smuggling.

In fairness naman sa mga napalitan, Depcom for Intel MGen Juvymax Uy at Depcom for Enforcement Atty. Teddy Raval, naniniwala tayong hindi nila “inabuso” ang LOA– sa kabila ng mga alingasngas na natanggap natin partikular sa ilang mga importer at warehouse owner sa Bulacan.

Sa rekord ng gobyerno, umabot sa higit P128 bilyon ang nakumpiskang smuggled goods ng BOC sa halos 2-taon na ‘teamwork’ nina Rubio at Uy na kilala natin bilang istrikto, propesyonal at disiplinadong opisyal sapul noong ‘Colonel’ pa lang siya ng Philippine Army.

Sa kabilang banda, hindi nawawala ang bintang na estilong “lagareng Hapon” ang ginawa ng ilang operatiba ng Customs sa paggampan sa kanilang trabaho.

Malaki pa rin ang paniwala ng inyong lingkod na nagtrabaho sina Rubio at Uy ayon sa kanilang mandato bilang mga opisyal ng Aduana.

Kumpiyansa naman tayo na ang utos ni Comm. Ariel ay para rin sa patuloy na ikagaganda ng serbisyo sa publiko at kredibilidad ng BOC.

Abangan natin ang susunod na kabanata, dear readers, at muli Comm. Ariel, suportado ta ka!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here