MANILA, Philippines- Magpapaulan ang southwest monsoon o habagat sa ilang bahagi ng bansa ngayong Huwebes, ayon sa PAGASA.
Samantala, patuloy ang pag-monitor ng weather bureau sa tropical storm sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Kaninang alas-3 ng madaling araw, si Severe Tropical Storm Lan ay matatagpuan 2730 kilometers east northeast ng extreme Northern Luzon na may maximum sustained winds na 110 kilometers per hour malapit sa sentro. gustiness hanggang 135 km/h at patungon kanluran sa 15 km/h.
Magiging maulap sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, Occidental Mindoro, hilagang bahagi ng Palawan, at Lanao del Norte na sa sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa southwest monsoon.
Makararanas naman ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa southwest monsoon at localized thunderstorms.
Ang wind speed forecast para sa Luzon ay moderate to strong patungong southwestward habang ang coastal waters ay magiging moderate to roygh.
Inaasahan sa Visayas at Mindanao ang light to moderate wind speed patungong southwestward na may slight to moderate coastal waters.
Sumikat ang araw kaninang alas-5:41 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:22 ng hapon. RNT/SA