Home METRO Bodega sa Muntinlupa natupok!

Bodega sa Muntinlupa natupok!

MANILA, Philippines- Natupok ang isang warehouse sa walong oras na sunog kasabay ng pagsalubong sa Bagong Taon sa Muntinlupa. 

Ayon sa Muntinlupa City Fire Station, nasunog ang isang bodega sa Don Jesus Boulevard sa Alabang Hills, Barangay Cupang dakong alas-10:52 ng gabi.

Itinaas ang first alarm ng alas-10:52 ng gabi at umabot sa second alarm pagsapit ng alas-11:05 ng gabi. Nakontrol ang pagliyab pagtuntong ng alas-2:26 ng amdaling araw at naapula ng alas-6:52 ng umaga nitong Enero 1.

Sa pagtataya ng fire station, aabot sa P70 milyon ang pinsalang iniwan ng insidente. Walang naitalang nasaktan.

Siyam na fire trucks ang rumesponde sa sunog. RNT/SA

Previous articleGladys, bet magka-reunion concert with Juday!
Next articleTotoy nasabugan ng pla-pla!