Home ENTERTAINMENT Gladys, bet magka-reunion concert with Juday!

Gladys, bet magka-reunion concert with Juday!

Manila, Philippines- Iba rin ang naiisip na ideya ni Gladys Reyes para sa reunion project ng kanyang kakontemporaryo’t kaibigan na si Judy Ann Santos.

Neither is it a movie nor a teleserye but a live concert!

Marami kasi silang mga tagahanga ang nag-aabang kung kailan sila muling magsasama.

And according to Gladys, what better way to get reunited than mounting a concert?

Gladys is admittedly taking a cue from the highly successful Dear Heart concert that topbilled Sharon Cuneta and Gabby Concepcion.

Ang nalisip niyang title: Mara Clara, The Concert.

Although both are non-professional singers ay maitatawid naman daw ang pagtatanghal nilang ‘yon.

For one, nakatatlo ngang albums si Judy Ann even if she’s not a singer.

Puwede rin daw kasing mag-perform ang respective eldest children nila ni Juday.

Si Yohan on Juday’s side, si Christophe on hers.

“Isama na rin ‘yung ibang mga anak namin,” sey pa ni Gladys.

Ang Mara Clara ang teleseryeng pinagbidahan nina Juday at Galdys which ran from 1992 to 1997 on ABS-CBN.

As for their audience, ito raw ang mga noo’y kaedaran nilang tumangkilik sa Mara Clara who now have the means to spend on their concert.

Gladys has yet to brooch the idea with Juday who she feels will be just as excited.

“Kasi kung movie or teleserye, matagal pa aabutin niyon, so concert muna!” pahabol ng Primera Contravida. Ronnie Carrasco III

Previous articleDOH sa publiko: Usok mula sa paputok delikado; magsuot ng face mask
Next articleBodega sa Muntinlupa natupok!