Home METRO Bodega sa Navotas nasunog sa Pasko

Bodega sa Navotas nasunog sa Pasko

Isang bodega sa Navotas City ang nasunog nitong Miyerkules ng umaga, Araw ng Pasko, ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR).

Matatagpuan sa Simeon de Jesus Riverside, San Rafael Village ang nasabing bodega kung saan umabot sa unang alarma ang sunog alas-6:42 ng umaga.

Walang naiulat na nasugatan o nasawi.

Ang sanhi ng sunog at ang tinatayang halaga ng pinsala ay nananatiling iniimbestigahan. RNT