MANILA, Philippines – Nakumpiska ng mga awtoridad ang halos P1 milyong halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Pio Del Pilar, Makati City, nitong Lunes ng hapon.
Ayon kay Major Hazel Asilo, public information officer ng Southern Police District, nakipagtransaksyon ang poseur-buyers sa dalawang suspek gamit ang P9,000 na boodle money.
Kabilang sa mga nasamsam ay ang 85 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P578,000, 165 gramo ng hinihinalang high-grade marijuana (kush) na nagkakahalaga ng P247,000, at mga disposable vape pen na naglalaman ng marijuana oil na tinatayang nasa P149,000.
Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. RNT