Home ENTERTAINMENT Body shamers sinopla ni Janine!

Body shamers sinopla ni Janine!

Manila, Philippines – Malabong mainis mo sa iyong pamba-bash si Janine Gutierrez.

Ito marahil ang napagtanto ng isang basher matapos mag-react ang Kapamilya actress in a dignified manner.

Sukat ba naman kasing pinagtripan ng basher ang “malusog na pangangatawan ni Janine sa mga larawan nito sa inilunsad na kalendaryo.

Janine is the face of a liquor brand in its 2025 calendar.

Agaw-pansin man ang kanyang mga photos ay hindi katanggap-tanggap ang mga ito sa basher.

Masyadong edited o photoshopped daw ang mga ito, making Janine look “malaman” gayong pagkapayat-payat niya.

Janine took to Instagram her defense by saying that the shoot took place in October.

Nitong December lang ini-launch ang naturang kalendaryo.

So, technically, we’re talking of a two-month gap.

Ayon kay Janine, in those two months after the shoot ay maraming naging ganap.

Her activities included going to Japan to attend an international film festival.

Sa pagitan nito ay panay attend din daw siya ng mga thanksgiving parties for the show.

At sa panahon ding ‘yon ay dedma na raw siya sa strict diet at workout, therefore, mananaba nga naman siya!

Dagdag niya na may tone of sarcasm sa basher: “I take it easy during holidays and enjoy my body in its different shapes…you should too!”

Ending–hindi na humirit ang basher!

Spell P-A-H-I-Y-A! Ronnie Carrasco III