Home ENTERTAINMENT Uge, babansagang Comedy Queen, pinalagan!

Uge, babansagang Comedy Queen, pinalagan!

Manila, Philippines- Ayon sa isang college professor, it’s about time the title Comedy Queen o Reyna ng Komedya be passed to Eugene Domingo.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na ang nagmamay-ari ng nasabing titulo ay si Ai Ai de las Alas.

Pero depensa ng propesor, hindi raw kasi matatawaran ang husay ni Uge (tawag kay Eugene) –mapa-teatro, TV at pelikula.

Ipinamalas daw ni Uge ang kanyang pambihirang comedic talent bilang

Rowena sa Tanging Ina, na pinagbibidahan pa mandin ni Ai Ai.

Hindi rin daw maaaring isnabin ang pagganap ni Uge sa Kimmy Dora.

Maging sa Ang Babae sa Septic Tank ay kahanga-hanga rin siya.

Not to be snubbed ay ang MMFF entry nila ni Pokwang noong isang taon na Becky & Badette, and a host of other films.

Despuwes, marapat lang daw na ipagkaloob na kay Eugene ang Comedy Queen title.

While may punto ang propesor ay pinalagan ito ng marami.

Bakit daw “huhubaran” si Ai Ai ng nasabing titulo?

Hindi raw ba maaaring ibahin ang titulo para kay Uge na kumikilala rin sa kanyang talento sa

pagpapatawa–a title at par with Ai Ai’s?

For sure, kung masusunod si Uge ay mas pipilin niyang si Ai Ai ang rightful owner ng title.

Huwag na nating pagsabungin sina Ai Ai at Uge dahil in real life ay magkaibigan sila.

And between friends, there’s no such thing as fierce competition. Ronnie Carrasco III