Home Uncategorized Isa pang KathDen project, tuloy na!

Isa pang KathDen project, tuloy na!

Manila, Philippines- No doubt na kinasabikan ang muling pagtatambal nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa Hello Love Again.

Kung ‘di ba naman, itinanghal nga ito officially as the highest grossing Filipino movie of all time.

P104 billion lang naman ang iniakyat nito sa mga nag-collab na Star Cinema at GMA Pictures in worldwide box office take.

Winalis tuloy nito ang naitalang record ng Rewind ng Primetime King at Queen ng GMA.

So, saan ia-attribute ang unprecedented success ng HLA?

Marami ang sang-ayon sa tagal bago ito nasundan, from Hello Love Goodbye to HLA.

As in it took all of five years–sapat na nga ‘yon para masabik ang Filipino audience.

Kaya naman masidhi ang panawagang magkaroon uli ng third collab ang dalawang film companies.

May nagsa-suggest na gawing Hello

Love Forever ang Part 3.

‘Yun nga lang, may nasisilip na danger dito–gusto ba nating tuluyang mag-aklasan ang mga

KathNiel fans ng aktres at dating nobyo nitong si Daniel Padilla?

Pero mismong ang GMA Senior Vice President na si Atty. Anette Gozon-Valdes na ang nagpahayag na pinag-aaralan na nga raw ng dalawang kumpanya ang isa pang KathDen project.

Hindi nga lang tiyak kung saan ito ipalalabas kung serye ang gagawin ng KathDen–sa streaming platform?

In-anticipate na raw kasi ng mga taga-GMA Pictures na may mga gustong maipalabas ito sa streaming platform.

In the final analysis, buwelta ni Valdes: “Kung teleserye, mahirap. Kung movie, puwede pa!”

Tuloy ang next KathDen project, maghihintay ba uli nang another five years to keep the Pinoy audience in suspense?

O ihahatag nila ito agad-agad as in sa 2025? Ronnie Carrasco III