MANILA, Philippines – DEAD on the spot ang isang driver/aide/bodyguard, samantalang nakaligtas naman sa insidente ang department head ng Binan City matapos na tambangan ang kanilang service vehicle ng dalawang hindi nakikilalang riding in tandem, kagabi, Agosto 28 sa Binan, Laguna.
Ang bikima na kaagad na binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente sa mga tinamong tama ng bala sa ibat-ibang parte ng katawan ay kinilalang si alyas Ronaldo, 55, driver/aide/bodyguard, naninirahan sa naturang lungsod samantalang wala namang tinamong sugat ang nasabing Binan City Department Head na si alyas Ed.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen dakong alas-6:30 ng gabi, habang ang mga biktima na lulan ng kanilang service vehicle papauwi ay biglang pinaulanan ng bala ang sinasakyan ng dalawang hindi nakikilalang suspek na kapwa magkaangkas sa motorsiklo na mabilis na tumakas patungo sa hindi matukoy na direksyon.
Napag-alaman sa inisyal na pagsisiyasat ng Binan City Police Station ang nasawing driver/aide/bodyguard ay mayroong pending case hinggil sa land despute sa Nueva Ecija kung saan hindi pa matukoy sa mga biktima ang talagang target ng mga gunman.
Samantalang patuloy ang manhunt operation ng pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek para sa agarang ikadakip ng mga ito. Ellen Apostol