Home SPORTS Bol Bol patitigasin ng TNT

Bol Bol patitigasin ng TNT

227
0

PATULOY pang pinaghahandaan ni TNT import Bol Bol ang kanyang kondisyon bago ang pagsabak sa Commissioner’s Cup.
Sumama na siya sa opisyal na ensayo ng Tropang 5G nitong Lunes.

Bago pa man ang team practice, ilang araw nang nagsasanay si Bol ng individual drills kasama ang utility staff ng TNT.
Ibinahagi pa ng koponan ang mga video ng kanyang outside shooting.

Gayunman, aminado ang team manager na si Jojo Lastimosa na “out of shape” pa ang 7-foot-3 na dating NBA player.
Huling naglaro si Bol noong 2024-25 season kasama ang Phoenix Suns.

Malaki ang inaasahan sa kanya dahil sa kanyang taas at versatility, lalo’t naging usap-usapan ang kanyang pagdating sa Maynila.

May sapat pang oras ang TNT upang maihanda si Bol dahil magsisimula pa lamang ang Commissioner’s Cup sa Marso 11, kaya’t tututukan ng koponan ang kanyang fitness sa mga susunod na linggo. GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here