
MANILA, Philippines- Dinomina ni Senator Christopher “Bong” Go ang halos lahat ng pinakabagong survey para sa mga tumatakbong senador matapos niyang maisemento ang pangunguna sa mga ito.
Sa pinakahuling 2025 Pulse Asia senatorial preference survey, hindi natinag si Go sa unang puwesto, kung saan ay 62.2 porsiyento ng respondents ang nagsabing siya ang kanilang iboboto kung ngayon na gaganapin ang halalan.
Ang survey ay isinagawa mula Abril 20 hanggang 24.
Ang kanyang mataas na ranko sa Pulse Asia ay lalo pang pinagtibay ng dalawa pang hiwalay na inilabas na pambansang survey.
Sa Arkipelago Analytics survey na isinagawa mula Abril 26 hanggang Mayo 1, si Senador Go ay niranggo bilang Numero 1 sa nakuhang 63 porsiyento ng respondents na nagsabing iboboto nila siya.
Gayundin, ang survey ng Tangere na isinagawa mula Abril 29 hanggang Mayo 3 ay nanguna si Go 62.8 porsiyentong suporta ng mga botante.
Si Go, kasalukuyang tagapangulo ng Senate Committee on Health, ay lubos na pinasalamatan ang mga Pilipino sa kanilang patuloy na pagtitiwala sa kanya.