MANILA, Philippines- Binawi na ng Department of Agriculture (DA) ang six-year ban sa pag-angkat ng processed pork products mula South Korea.
Kasunod ito ng scientific validation ng safety protocols nito laban sa African swine fever (ASF).
Sa ilalim ng Memorandum Order (MO) No. 23, pinahintulutan na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang awtorisadong pagpasok ng Korean pork items sa bansa, sa kondisyon na ang mga ito ay isasailalim sa high-level heat treatment.
Sa kabilang dako, base sa kautusan, hiniling ng Ministry of Agriculture, Food, and Rural Affairs ng Korea sa DA na ikonsidera ang pagbawi sa ban o pagbabawal “in view of relevant scientific literature.”
Tinuran naman ng Korean na ang pag-aaral ang magpapatunay na ang ASF ay deactivated sa prosesong ginamit para makapag-produce ng processed pork products.
Ang orihinal na restriksyon, ipinataw noong 2019 sa ilalim ng DA Memorandum Order No. 26, naglalayon na protektahan ang local livestock sa gitna ng ASF outbreak.
Sa pagbawi sa ban, nagsagawa ang DA ng import risk analysis (IRA) para kumprmahin na ang Korean processed products na sinadya para sa exports ay nakaabot sa mga pamantayan na itinakda ng World Organisation for Animal Health standards (WOAH).
Nakasaad sa IRA ang “robust veterinary oversight and ASF control systems ng South Korea, which is critical to gauge the shelf-stability and packaging of the imported products.”
“With assurances as a “safe commodity,” processed pork products from South Korea are permitted for import in accordance with existing Philippine regulations,” ayon sa ulat.
“In particular, the products should be heat-treated in hermetically sealed containers with an F0 value of three or more—which means the thermal lethality time required to eliminate all microorganisms.
The other process is being heated for 30 minutes at a minimum of 70 degrees Celsius,” ang sinasabi pa rin sa ulat.
“With this policy shift, more pork products are anticipated to be available to consumers in the Philippines.”
“It may also indicate a potential thaw in agri-trade relations between the two countries,” anito pa.
Samantala, sa isa pang direktiba, sa ilalim ng MO No. 22, binawi rin ng DA ang temporary ban sa pag-angkat ng poultry products mula Minnesota sa Estados Unidos.
Ang original ban ay ipinag-utos nito lamang unang bahagi ng taon, saklaw ang domestic at wild birds at kanilang produkto kabilang na ang ‘poultry meat, day-old chicks, eggs at semen’ dahil sa paglaganap ng bird flu sa estado.
Iniulat naman ng US veterinary authorities na ang lahat ng kaso ng High Pathogenicity Avian Influenza (HPAI) sa lahat ng apektadong lalawigan ng Minnesota ay natuldukan na, walang karagdagang outbreaks matapos ang Feb. 28.
Ang naging hakbang ng DA na bawiin ang ban bilang trade restrictions ay dapat na ipag-utos kung may tatlo o higit pang lalawigan ang apektado ng HPAI, bilang pagkilala sa HPAI regionalization arrangement. Kris Jose