Home NATIONWIDE Bong Go, nagbigay ng tulong sa mga displaced worker sa Naga City,...

Bong Go, nagbigay ng tulong sa mga displaced worker sa Naga City, Cebu

4
0

CEBU, Philippines – Nagpadala si Senator Christopher “Bong” Go ng kanyang Malasakit Team upang magbigay ng karagdagang tulong sa mga displaced worker sa Naga City, Cebu, nitong Lunes, Nobyembre 16, habang sumasailalim ang mga ito sa oryentasyon mula sa pamahalaan.

“Mga kababayan ko, ang bisyo ko ay magserbisyo, at kasama ninyo ako sa bawat hakbang ng ating pagbangon. Patuloy tayong magkaisa at magtulungan, sapagka’t ang ating layunin ay upang mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino,” aniya sa isang mensahe.

Pinuri rin ni Go ang pagsisikap ng pamahalaan na magbigay ng pansamantalang oportunidad sa trabaho sa mga manggagawang nawalan ng trabaho o pinagkakakitaan, partikular sa mga nahaharap sa kahirapan sa ekonomiya at iba pang sitwasyong nakaaapekto sa kanilang kabuhayan.

“Ang programa na ito ay naglalayong makatulong sa mga kababayan nating walang trabaho o naapektuhan ang kabuhayan,” paliwanag ni Go.

Isinusulong din ng senador ang mga panukalang batas na naglalayong palakasin ang oportunidad sa trabaho at proteksiyon para sa mga manggagawa.

Kabilang dito ang Senate Bill No. 177, o ang panukalang Rural Employment Assistance Program (REAP), na naglalayong magbigay ng pansamantalang oportunidad sa trabaho sa mga kwalipikadong indibidwal na naapektuhan ng kahirapan sa ekonomiya, pagkawala ng trabaho, seasonal unemployment, at iba pang sitwasyong nakaaapekto sa kanilang kabuhayan, partikular sa mga rural area.

Inihain din ni Go ang SBN 175 na naglalayong iatas ang P100 dagdag sa arawang minimum wage sa buong bansa. Layunin ng panukala na maibsan ang pinansiyal na pasaning kinahaharap ng mga manggagawang Pilipino at kanilang mga pamilya.

Sa pakikipag-ugnayan kay Barangay Captain Herculano Omambac, nagbigay rin ang Malasakit Team ng karagdagang tulong sa 75 displaced worker, kabilang ang mga food pack, kamiseta, panulat, meryenda, basketball at volleyball.

Muling iginiit ni Go ang kanyang pangakong ipagpapatuloy ang mga pagsisikap na magbigay ng suporta sa mga manggagawa at pamilyang dumaranas ng mahihirap na sitwasyon.

“Patuloy kaming magseserbisyo sa inyo dahil bisyo ko ang magserbisyo, at ako ay naniniwala na ang serbisyo sa tao ay serbisyo ‘yan sa Panginoon, serbisyo ‘yan kay Allah,” aniya. RNT  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here