Home NATIONWIDE Bong Go sa publiko: Mag-ingat sa online, mobile scammers

Bong Go sa publiko: Mag-ingat sa online, mobile scammers

243
0

MANILA, Philippines – NAGBABALA si Senador Christopher “Bong” Go sa publiko na mag-ingat sa mga online at mobile scammer na gumagamit ng programang Malasakit Centers para makapambiktima.

Nabatid na puspusan ang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng tanggapan ni Senate Committee on Health Chairman Senator Bong Go bunsod ng mga reklamo mula sa mga netizen hinggil sa modus ng ilang scammers.

Kabilang sa mga naiulat na scam ay ang paggamit sa programa ng Malasakit Centers upang makapanamantala sa kapwa.

Si Senator Bong Go ang nagsulong ng Malasakit Centers program, kung saan 17 milyong Filipino na ang natulungan para sa kanilang gastusing medikal.

Nauna nang nilinaw ni Go na ang Malasakit Centers ay one-stop shop para sa medical assistance mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at hindi ito namimigay ng cash na ayuda.

Sa pinakahuling napaulat na insidente, isang pamilya sa lalawigan ng Bulacan ang naging biktima ng scam habang nagdadalamhati dahil sa nakaburol na kaanak.

Agad na nakipag-ugnayan ang senador sa pamilyang biktima ng scam at pinaigting ang pakikipagtulungan sa mga otoridad para matigil na ang panlilinlang sa mga kawawa nating kababayan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here