Home HOME BANNER STORY Strategic partnership ng PH, India palalakasin pa

Strategic partnership ng PH, India palalakasin pa

209
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kapuwa itataas ng Pilipinas at India ang kanilamg relasyon sa isang strategic partnership.

“For seven and a half decades, we have had excellent relations with India. But tomorrow, this relationship is going to receive a major boost, a major upgrade as Prime Minister and I inaugurate a strategic partnership between the Philippines and India,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa meet and greet kasama ang Filipino community sa New Delhi.

Sinabi ng Pangulo na nangangahulugan lamang ito na mas paiigtingin ng dalawang bansa ang pagtutulungan at “and become even more impactful in many areas that we have not explored with India before.”

“These include defense, trade and investment, health, tourism, and other areas,” ayon kay Pangulong Marcos.

Si Pangulong Marcos ay dumating na sa New Delhi para sa kanyang five-day state visit, sa imbitasyon na rin ni Prime Minister Narendra Modi.

Samantala, ang foreign visits na ito ng Pangulo ay naglalayon na ayusin ang buhay ng mga filipino sa ibang bansa.

Pinuri naman nito ang mga Filipino sa India, sabay sabing naipamalas ng mga ito ang kanilang ‘excellent portrait’ bilang isang Filipino sa ibang bahagi ng mundo. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here