
MANILA, Philippines – Personal na nag-abot ng tulong si Senator Christopher “Bong” Go sa mga lokal na magsasaka sa Lebak, Sultan Kudarat.
Ito ay bahagi ng kanyang dedikasyon na iangat ang ng sektor ng agrikultura tungo sa pagtulong sa bansa na malampasan ang mga hamon sa seguridad sa pagkain.
“Nakikita ko po ang sakripisyo ng ating mga magsasaka na siyang bumubuhay sa ating bayan sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap sa pagsasaka. Bilang lingkod bayan, responsibilidad nating bigyan sila ng sapat na
suporta upang mapanatili ang kanilang kabuhayan at itaguyod ang kanilang pamumuhay,” sabi ni Go.
Idinaos sa Lebak municipal gymnasium, ang Malasakit Team ni Senator Go ay namahagi rin food packs, kamiseta, bitamina, at meryenda sa 1,000 benepisyaryo. Nakatanggap din ang ilan ng basketball, volleyball, bisikleta, cellphone, relo, at sapatos.