MANILA, Philippines – Patuloy sa pagsuporta si Senator Christopher “Bong” Go sa mga programang pangkabuhayan ng gobyerno matapos niyang personal na tulungan ang displaced workers sa Minalin, Pampanga noong Huwebes, Hulyo 18.
Katuwang sina Congresswoman Anna York Bondoc, Minalin Mayor Philip Naguit, at Vice Mayor Rondon Mercado, nagsagawa ng pagtitipon ang Malasakit Team ni Go sa Sta. Rita Covered Court, kung saan 500 Kapampangan ang binigyan ng tulong pinansyal, food packs, meryenda, bitamina, kamiseta, at basketball at volleyball.
Mayroon ding mga nakatanggap ng bisikleta, mobile phone, relo, at sapatos.







